Pagsusuri ng Florante at Laura
Pagsusuri ng Florante at Laura Ni: Jose Ely Azarraga (8-Busay) Sa akda ni Francisco Balagtas na “Florante at Laura,” ipinahayag niya ang kanyang apat na himagsik. Isa sa mga ito ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya. Sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas, sumibol ang relihiyong Kristyanismo sa bansa sapagkat isa sa mga layunin ng Espanya sa pagpunta nila sa Pilipinas ay ang gawing mga katoliko ang mga Pilipino. Ang gawaing pangungumberte ay ginawa ng walang sagabal na iba pang relihiyon maliban na lamang sa Islam, na mas kinikilala sa Timog. Ang higit na organisadong pamahalaang sultanato ng Muslim ang tumakot sa mga Espanyol para hindi agad sakupin ang Mindanao. Hindi rin naging priyoridad ng mga Espanyol na sakupin ang mga katutubong nakatira sa kabundukan. Sinimulan nila ang pagsakop sa Sulu (1578) at sinunod naman nila ang Maguindanao (1579). Nang matalo ang pinuno ng mga Muslim (Datu Dimacasnay at Buisan) ay napilitan silang makipagkasundo sa mga Espan...